Idinaos ng Pangasinan State University San Carlos Campus ang 𝗩𝗶𝗿𝘁𝘂𝗮𝗹 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟱 para sa mga mag-aaral ng unang taon, mga nagbabalik, at transferees noong Agosto 28, 2025 sa pamamagitan ng Facebook Live at Google Meet.
Sa kanyang mensahe, mainit na tinanggap ni 𝗗𝗿. 𝗘𝗹𝗯𝗲𝗿𝘁 𝗠. 𝗚𝗮𝗹𝗮𝘀, Pangulo ng Pamantasan, ang mga bagong mag-aaral at inilarawan sila bilang pinakabagong miyembro ng lumalaking pamilya ng PSU. Gayundin, ipinahayag ni 𝗗𝗿. 𝗟𝗶𝘇𝗮 𝗟. 𝗤𝘂𝗶𝗺𝘀𝗼𝗻, Ehekutibong Direktor ng Kampus, ang kanyang tuwa sa pagdating ng mga estudyante at hinimok silang maging pamilyar sa mga serbisyong nakalaan upang makatulong sa kanilang akademikong paglalakbay.
Ibinida sa oryentasyon ang iba’t ibang presentasyon mula sa mga opisyal ng kampus hinggil sa mahahalagang serbisyo at polisiya. Tinalakay ni 𝗠𝗺𝗲. 𝗦𝘂𝘀𝗮𝗻 𝗚. 𝗠𝗲𝗻𝗱𝗼𝘇𝗮, Registrar ng Kampus, ang tungkol sa academic records at Sistema ng pagmamarka; ni 𝗠𝗺𝗲. 𝗠𝗮𝗿𝘆 𝗔𝗻𝗻 𝗠. 𝗣𝗮𝗰𝗶𝗼, Librarian ng Kampus, ang mga mapagkukunan ng aklatan; ni 𝗠𝗺𝗲. 𝗡𝗼𝗲𝗺𝗶 𝗖. 𝗖𝗮𝗿𝗹𝗼𝘀, Admission and Guidance Services Coordinator, ang student support services; ni 𝗠𝗺𝗲. 𝗠𝗶𝗻𝗮 𝗦𝗶𝗮𝗽𝗻𝗼, Campus Nurse, ang serbisyong medikal at dental; ni 𝗗𝗿. 𝗥𝗼𝘄𝗲𝗻𝗮 𝗖. 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝗺𝗶𝗹, SSAA Dean, ang tungkol sa scholarship, financial aid, at student code of conduct; at ni 𝗚. 𝗝𝗲𝗿𝗼𝗺𝗲 𝗦. 𝗖𝘂𝗮𝗿𝗶𝗼, SSC Adviser, ang hinggil sa mga student organization.
Nagbigay rin ng suporta sa programa ang mga dekana ng kolehiyo na sina 𝗗𝗿. 𝗔𝗿𝗰𝗲𝗹𝗶 𝗔𝗱𝗼𝗿𝗮𝗰𝗶𝗼𝗻 𝗚. 𝗥𝗮𝗺𝗼𝘀 (CTE), 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗺𝗶𝗲 𝗥. 𝗣𝗼𝗾𝘂𝗶𝘇 (CHMBAC), at 𝗗𝗿. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵𝗶𝗻𝗲 𝗗. 𝗥𝗲𝘆𝗲𝘀 (CABM), na nagpaabot ng kanilang mainit na pagbati sa mga bagong estudyante.
Nagtapos ang programa sa paalala ni 𝗕𝗯. 𝗞𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗻𝗲 𝗣. 𝗕𝗲𝗻𝗶𝘁𝗼 na sulitin ng mga mag-aaral ang mga serbisyong iniaalok at ang mga oportunidad na nakalaan, habang isinasabuhay ang respeto, disiplina, at mga pagpapahalagang inaasahan sa bawat PSUnian.
#GeneralOrientation2025
#WelcomePSUnians
#TatakPSUSanCarlos